Thursday, July 18, 2013

Apalit Fiesta 2013 - Sampung Utos Ng Manginginom


Sampung Utos Ng Manginginom - New Testament




1. Huwag kang inarte. Huwag kang mapili. Kung anong nasa mesa para inumin – yun na yun.


2. Huwag kang adik sa yosi. Pampaalis ng umay yan at hindi yan lollipop.


3. Para bumilis ang tagay – tadtarin ng maraming sili ang pulutan.


4. Ang tanggero ang tanging makapangyarihan sa inuman. Ang may pera dapat nilalasing para gumastos ng gumastos. Kaya't huwag gawing tanggero ang gagastos.


5. Hindi dapat sa tiyan o ulo inilalagi ang iniinom. Dapat iniihi mo para mas matagal kang malasing.


6. Kung hindi ka rin naman pala iinom – huwag ka nang pumunta sa inuman.


7. Laging tatanungin ang sarili habang umiinom: Kaya mo pa bang uminom? Or kaya mo pa bang umuwi?


8. Dalawang bagay lang ang iisipin kapag medyo marami-rami na ang nainom: Susuka or Susuko? Sumuko ka na at sayang ang ininom mo.


9. Siguruhing may palusot ka kinabukasan kung sa ibang bahay ka natulog after ng inuman.


10. Inspeksyunin ang buong katawan bago umuwi at baka may tsikinini ka sa leeg. Patay kang lasenggo ka!

No comments:

Post a Comment